CANCER
/ TUMOR - KULAM / GAYUMA - KARMA :
SINO ANG DAPAT GUMAMOT NITO?
May
mga iilang tao na nagsasabi ganito: “ Pinagamot ko siya sa
Doctor, subalit hindi pa rin gumaling. Noong pinagamot ko siya sa Albularyo
saka lang siya gumaling. Nabati daw siya ng mga hindi nakikita.” Ang
iba naman ay nagsasabi ng ganito:“Pinagamot ko siya sa Albularyo, ang
sabi kinulam daw. Ang tagal ginamot ng Albularyo pero hindi gumaling. Noong
dinala ko siya sa Doctor, dengue pala ang sakit. Gumaling siya sa
Doctor.” Ang ibang tao naman ay nagsasabi ng ganito:“Pinagamot ko
siya sa Doctor hindi siya gumagaling. Pinagamot ko rin siya sa Albularyo, hindi
rin siya gumaling. Ano na ang gagawin ko?”
Kung uunawain
natin ang mga naipahayag sa unang talata. Masasabi natin na ang mga Doctor ay
may napapagaling na hindi kayang gamutin ng mga Albularyo. Sa kabaliktaran
nito; mayroon namang nagagamot ang mga Albularyo na hindi kayang gamutin ng mga
Doctor. Kung tatanungin naman natin ang siyensiya (science) tungkol dito, ang
mga bagay na ito ay hindi pinaniniwalaan. Subalit kung ang sinasabing
Doctor o Siyensiya ay naniniwala sa Diyos at magsasaliksik sa Banal na
Kasulatan o Bibliya; hindi nila maikakaila na may mga karamdaman na tanging sa
paraang pang-espirituwal lamang ito gagaling. Subalit may mga sakit din naman
na hindi kayang gamutin ng mga Doctor at mga Albularyo, PAANO ITO GAGAMUTIN?
Mahalagang
malaman natin ang kategorya ng sakit ng isang tao upang malaman natin kung sino
ba ang akma o nararapat gumamot sa taong may karamdaman, nang sa ganoon sa
bandang huli hindi tayo magsisisi.
Ang
kategorya ng sakit ay nahahati sa tatlo (3) at bawat kategorya ay may akmang
manggagamot. Ang unang kategorya ng sakit ay tinatawag ng MATERIAL SICKNESS,
halimbawa nito ay lagnat, ubo, sipon, cancer, tumor, TB at diabetes. Ang
ikalawang kategorya ng sakit ay tinatawag na MEDIUM SICKNESS, halimbawa nito ay
kulam, barang, palipad-hangin, usog, bati at gayuma. At ang huling kategorya ay
tinatawag na SPIRITUAL SICKNESS, halimbawa nito ay karma o parusa na ng
Makapangyarihang Diyos.
Sino
ang makakagamot ng Material Sickness, Medium Sickness at Spiritual Sickness? Sa
mga taong nagtataglay ng Material Sickness, sila ay magagamot ng mga Doctor
(professional doctor) na makikita sa hospital o clinic. Sa mga taong
nagtataglay ng Medium Sickness, sila ay magagamot ng mga Albulayo o medium
doctor. Para naman sa mga taong may sakit na Spiritual Sickness; hindi ito
magagamot ng literal na doctor o albularyo. Ang makakagamot nito ay tanging
sarili niya lamang. Taus-pusong paghingi ng tawad sa Diyos, paghingi ng tawad
sa mga taong nagawan niya ng mali at pagbabago sa sarili tungo sa mabuting
gawain ang makapagpapagaling sa sakit na ito.
May
isang tao na nagsasabi ang ganito: “ Yung tiyahin ko may cancer sa
ovary, sinubukan niyang magpagamot sa isang faith healer. Gumaling ang cancer
niya paglipas ng dalawang (2) buwan.” May iilang rin namang tao
na may kakayahang makapagpagaling ng Material Sickness at Medium Sickness; ang
tawag sa kanila ay Spiritual Doctors subalit bihira lang ang taong may
kakayahan nito. Sa madaling salita; ang Material Sickness ay hindi kayang
gamutin ng mga albularyo subalit kayang gamutin ng mga Professional Doctors at
Spiritual Doctors. Ang Medium Sickness naman ay hindi kayang gamutin ng mga Professional
Doctors subalit kayang gamutin ng mga Albularyo at Spiritual Doctors.
Sa
pang-espirituwal na paraan ng panggagamot, napakahalaga dito ang taus-pusong
paniniwala. Sa madaling salita, kahit si Jesu-Cristo pa ang gagamot sa iyo kung
wala ka namang paniniwala kay Cristo, hindi ka gagaling. Ang lahat kagalingan
sa lahat ng sakit ay nagmumula sa Nag-iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
At ang Diyos ay gagamit ng instrumento o tao tulad ng mga Material Doctors,
Medium Doctors, Spiritual Doctors upang ang kahilingan ng tao na gumaling ay
magaganap. Isang halimbawa: kapag ang kapatid mo ay nangangailangan ng pera na
gagamitin para sa enrollment at nagkataon namang wala kang pera, sinubukan mong
manalangin sa Diyos at humingi ka ng grasya, pagdilat mo ba ng iyong mga mata o
pagkatapos mo manalangin ay may biglang lilitaw na pera sa iyong harapan? Sa
anong paraan kaya darating ang tulong ng Diyos upang mapa-enroll mo sa school
ang iyong kapatid?
Halos
lahat o masasabi kong lahat ng maykaya sa buhay o mayayaman ay sa Professional
Doctor lumalapit sa oras ng karamdaman at ito’y normal lamang; subalit paano
kung ang sakit ng isang mayamang tao ay kinulam, nabarang, nabati o nausog?
Marami namang mahihirap na dahil sa kahirapan, ang sakit na cancer o TB ay pilit
na sinasabing – baka kulam ito, ay inilalapit naman sa mga albularyo.
Mga
Kapatid, Kapuso at Kapamilya; ipinaalam ko po ang mga karunungang ito para sa
mga taong kay tagal nang naghahanap ng lunas sa kanilang sakit, baka po kasi
may mali sa nilapitan ninyong manggagamot o hindi akma/tugma. Hindi ko po
layunin na baguhin ang kinamulatan ninyong paniniwala. At wala po akong
kinikilingan sa paraan po ng panggagamot dahil po sa aking paniniwala; ang mga
propesyunal na doctor, maging ang mga doctor sa pang-espirituwal ay may
kaniya-kaniyang kagalingan o kakayahan.
Para sa mga taong
MATAGAL nang naghahanap ng kagalingan sa karamdaman, huwag po tayong mawawalan
ng pag-asa. Una sa lahat humingi tayo ng tawad sa Diyos at maging sa ating
kapwa; saka natin hanapin ang gagamiting instrumento ng Diyos na siyang
tutulong sa iyo upang ika’y gumaling. Maaari po ninyong ibahagi sa akin ang mga
problema ninyong sakit, ikagagalak ko pong maging bahagi sa inyong pagsusumikap
ng gumaling. Maraming-marami pong salamat.
Meron kasing limitations sa paggagamot lalo pa't baguhan at tinalaga ang sarili sa panggagamot at meron Pong Kristiyanong Pong magagamot yung apostol kaso bihira lang sila matagpuan. Nangangamoy parehong physical at espirituwal kung hindi na gamot ng faith healer at doctor ibig sabihin mahina yung nilapitan mo.
ReplyDeleteI just lost my man about three months ago though he is back again full of love and passion with the help of great man Dr. IKHIDE. I NORAH PEDRO from Norway, have been into a relationship with daniel mark since I was 22 years old and I am 28 now. I so much love him but I could not show the love, it was very difficult for me to prove my realness to him because I thought to prove my love to him might make him look down on me and go after other girls. for over six years Daniel has given me all that I ask of him. I always threatened him with break up each time I want to see his level of love for me because I was told if I threaten him, he will propose to me and then will get married to him before I can show my love despite his complains of him not sure of my love I was responding to him with negative words. though I was suspecting he has another girl in his life, I did not border to ask him about that because I was so sure of his love despite my attitude. on the 8th of September a day to my birthday he came and gave me so many lovely gifts like never before claiming to wish me a happy birthday in advance with his words and behavior I expected him to propose to me on my birthday night then I will also tell him of my pregnant for him. I wait for him on my birthday he did not show up not even a call, I tried his number and it was not going through I refuse to go check on him because the anger in me six days later I went to his house and I found nothing not even a sign of my Daniel once live there. I was disappointed, frustrated, confused with so many thoughts on my mind like hanging my self if I did not see him again because I can not my parent about the pregnancy when the man responsible for it had disappeared. our religion's against that, my family will be disappointed in me, I have brought them shame. I look for daniel everywhere till I could chat with him on social network, he warned me never to disturb him again because he already had found another girl that he wants to live his life with, after a while, he blocked me from all access then I could not tell him of my pregnancy for him. so, I needed help from all corners of life, I decide to check to google my self or read some write up on-site on how to coup with my pain because I could not tell anybody about it not even my friends were aware of my pregnancy. I keep reading to cancel my self till I find how Dr. IKHIDE helps so many persons from different walks of life with their testimonies. then I decide to also contact him with dr.ikhide@gmail.com. Because I do not know much about contacting a spell caster, I was not sure he can bring my Dan back but I decide to give him a try though his requirement was another problem I meet with a friend for help because I could not the items that he needed I have to plead with Dr. IKHIDE to help me get the items because really need my man back to take away my shame. just two days after I send him the requirement Daniel calls me, plead for forgiveness. just yesterday he propose to me and I am so happy. you can also contact him with dr.ikhide@gmail.com
ReplyDelete