Thursday, October 31, 2013

PANAGINIP (lyrics) by Darwager


LINK TO:
PANAGINIP VIDEO

I.
Ilang araw na pala ang nakalipas,
Mula nang una tayong magkita,
Di ako mapalagay sa ganda ng iyong mukha,
At Ako’y naghihintay kung kailan ka muling makikita.
At Sa gabi na dumating ako’y nanaginip na tayong dalawa ay magkapiling.

Chorus:
At sa pagsapit ng dilim ika’y aking kapiling,
At sa pag ihip ng hangin ika’y yayakapin
At kung may talang darating, tayo’y sabay na hihiling
At kung panaginip ang lahat ayoko ng magising.
Oohhh oohhh

II.
Ilang araw na pala ang nagdaan
Mula nang una kitang mapanaginipan
Pinilit pa nga kitang hanapin
Sa panaginip na lang pala pwedeng makita

Chorus II:
At sa pagsapit ng dilim ika’y aking kapiling,
At sa pag ihip ng hangin ika’y yayakapin
At kung may talang darating, tayo’y sabay na hihiling
At kung panaginip ang lahat…..

Bridge:
At sa tuwina’y dumating ako’y nanaginip na tayong dalawa ay magkapiling.

Chorus III:
At sa pagsapit ng dilim ika’y aking kapiling,
At sa pag ihip ng hangin ika’y yayakapin
At kung may talang darating, tayo’y sabay na hihiling
At kung panaginip ang lahat ayoko ng magising.
Panaginip na lang, ayoko ng magising

Panaginip na lang…

No comments:

Post a Comment