Thursday, October 31, 2013

Ang Limang Tanda ng Kapangyarihan


“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas. Ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika, sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.” - Marcos 16:16-18

Ang sulat na ito ni San Marcos na mababasa natin sa Marcos 16:16-18 ay isang hamon sa lahat ng mga kristiyanong nagsasabing sila ay sumasamplataya sa Diyos at umaakong nasa kanila daw ang kaligtasang ipinangako ni Jesu-Cristo. Ang sulat na ito pilit na iniiwasan ng napakaraming sekta ng relihiyong kristiyanismo. Ito’y iniwasan nila dahil sa kakulangan sa kaalaman at ang mga tanda ng kapangyarihan ay hindi nila kayang ituro o ipagkaloob sa mga taong kanilang nasasakupan.

Tanungin natin ang ating sarili; “Ako ba’y sumasampalataya sa Diyos? Ako ba’y nabautismuhan?” Malamang ang isasagot mo sa mga katanungang ito ay “OO”. Kung ikaw ay tunay na sumasampalataya sa Diyos at nabautismuhan; ikinagagalak kong ikaw ay isa sa mga ililigtas ng Panginoon. SUBALIT ayon sa sulat ni San Marcos na ang tunay na sumasampalataya at nabautismuhan ay DAPAT magtaglay ng limang tanda ng kapangyarihan at ito ay ang  magpapalayas ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika, hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay. Ngayon ako naman po ang magtatanong sa iyo; ang limang tanda ba ng kapangyarihan ay taglay mo?

Paano ba makakamtan ang tunay na pananampalataya? “Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.’ Ngunit paanong tatawagan ng mga tao ang hindi nila sinasampalatayanan? Paano sila mananampalataya kung wala pa silang napapakinggan tungkol sa kanya? Paano naman silang makakapakinig kung walang nangangaral? At paanong makapangangaral ang sinuman kung hindi siya isinusugo? Ayon sa nasusulat: ‘O kay inam na makitang dumarating ang mga nagdadala ng mabuting balita!’”  - Roma 10:13-15. Dagdag pa sa 2 Pedro 3:16 ganito naman ang pagkakasulat: Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalaala. May ilang bahagi sa kanyang liham na mahirap unawain, at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at mahihina. Ganyan din ang kanilang ginawa sa ibang Kasulatan, anupat ipinahahamak nila ang kanilang sarili.”  Dagdag pa sa 2 Pedro 1:20-21; ganito naman ang pagkakasulat:  “Higit sa lahat, tandaan ninyo na walang makapagpapaliwanag ng alinmang hula sa Kasulatan sa bisa ng kanyang sariling kakayahan sapagkat hindi nagbuhat sa kalooban ng tao ang hula ng mga propeta. Ito’y galing sa Diyos at ipinapahayag ng mga taong kinasihan ng Espiritu Santo.  Kung uunawain natin ang mga nakasulat sa nabanggit na mga talata; maliwanag na ang pangangaral ay hindi maaaring gampanan ng isang tao na gugustuhin niya lamang. Kinakailangan siya ay sinugo at kinasihan ng Espiritu Santo.

Noong kapanahunan ni Jesu-Cristo, naimulat na sa mga tao ang paraan ng pananampalataya sa pamumuno ng mga pariseo at mga saserdote. Ang Lumang Tipan na sinulat ni Moses at mga propeta ang naging gabay ng pananampalataya. Ito ang mga karunungang na ipinapahayag ng mga pariseo at saserdote. Ang mga pariseo at saserdote ay nangangaral sa tao; subalit sinugo nga ba sila ng Diyos para mangaral? Kung tunay nga silang sinugo ng Diyos para mangaral dapat kinilala nila si Jesus bilang Cristo at Sugo ng Diyos; at hindi nila dapat ipinako sa krus. Nakalulungkot isipin at unawain na mismong ang relihiyon noon ang siyang nagpahirap at nagpapako kay Jesu-Cristo.

Dapat nating suriing mabuti ang mga taong nangangaral sa atin dahil baka katulad sila ng mga pariseo at saserdote na magmumulat sa atin tungo sa maling pananampalataya sa Diyos. Si Jesu-Cristo mismo ay nagbabala sa atin na tayo’y mag-ingat sa mga taong nagdadala ng kaniyang pangalan; ibig sabihin nito’y mga taong nangangaral. Sa aklat ni San Mateo, mayroong binabanggit si Jesu-Cristo na mga palatandaan ng kaniyang muling pagparito. Isa sa mga palatandaan ay mababasa  sa Mateo 24:4-5 at ganito ang pagkakasulat: “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman! Sapagkat maraming paririto sa aking pangalan at magsasabi; ‘AKO ANG MESIYAS’ at marami silang maililigaw.” Dagdag sa pa dito ay mababasa natin sa Mateo 7:22-23; ganito ang pagkakasulat:“Pagdating ng huling araw, marami ang magsasabi sa akin: ‘ ‘Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!’ At sasabihin ko sa kanila, ‘Kailanma’y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama’.”

Ano ang bautismong magbibigay ng kaligtasan? Halos lahat ng sekta ng relihiyong kristiyanismo ay nagsasagawa ng pagbabautismo. Ito ay napakahalaga sa lahat ng tao na naniniwala sa Diyos tungo sa kaligtasan. Kung sasaliksikin natin ang Banal na Kasulatan; matutunghayan natin na marami palang uri o klase ng bautismo. Dagdag pa dito; ang pagbabautismo ay hindi maaaring gampanan ninuman maliban na siya ay inutusan ng Diyos na magbautismo. Ayon kay Juan Bautista, siya’y sinugo upang magbautismo; “Hindi ko siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin. Makikita mo ang Espiritu na bababa at mananatili sa isang tao – siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” – Juan 1:33.Maliwanag sa mga talatang nabanggit na mismong ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay nakipag-usap at nag-utos kay Juan na magbautismo sa tubig. Sa madaling salita si Juan lamang ang tanging binigyan ng karapatan na gampanan ang ganitong gawain. Sa panahon natin ngayon, maraming tao na may katungkulan sa relihiyon ang nagsasagawa ng ganitong pagbabautismo; kaya’t maitatanong natin sa kanila kung sino ang nagsugo sa kanila para magbautismo sa tubig. Nakausap ba nila ang Diyos at nag-utos sa kanila na magbautismo sa tubig katulad nang pakikipag-usap ng Diyos kay Juan?

Sa Aklat ni Mateo ay may binabanggit si Jesu-Cristo na isang uri ng bautismo; “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”  - Mateo 28:19. Isa pa sa uri ng bautismo ay ang bautismo sa ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Maliwanag sa talatang nabanggit na tanging ang labing dalawang apostol lamang ang binigyan ng karapatan ni Jesu-Cristo na magbautismo sa ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Sa panahon natin ngayon, kakaiba ang mga bautismong ating masasaksihan sa bawat sekta ng kristiyanismo. Makikita natin sa kanila ang isang tao ay bubuhusan o ilulubog sa tubig sabay bigkas ‘ikaw:__________ ay binabautismuhan ko sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo’ o kaya’y ganito naman ang kanilang binabanggit: ‘ikaw:__________ ay binabautismuhan ko sa ngalan ni Jesu-Cristo.’ Kung uunawain natin ang Kasulatan; maliwanag na sila’y nagsasagawa panibagong URI NG BAUTISMO na masasabi nating kumbinasyon ng dalawang uri ng bautismo na nakasaad sa Kasulatan; maliwanag din na sila’y lumalabag sa Kasulatan sapagkat ito’y hindi utos ng Diyos at sila’y hindi sinugo ng Diyos upang magsagawa ng isang pagbabautismo.

Isa pang uri ng bautismo ay ang bautismo sa Espiritu Santo at sa Apoy. Ito ay nakasulat sa Mateo 3:11-12;“Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi ninyo’t pagtalikod sa inyong mga kasalanan; ngunit ang dumarating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa Apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa sa akin, hindi ako karapat-dapat kahit tagadala ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kalaykay upang alisin dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.” – Mateo 3:11-12, Lucas 3:16-17.  Ang bautismong ito ay may tanda ng pagliligtas at ayon pa kay Juan Bautista na tanging ang Kordero lamang ang siyang may karapatan na magsagawa nito. Kung sasaliksikin natin ang Kasulatan mula sa Aklat ni Mateo hanggang sa Aklat ng Pahayag; walang binabanggit na may nagbautismo sa Espiritu Santo at sa Apoy noong kapanahunan ni Jesu-Cristo. Mismong ang Aklat ni Juan ay nagpapatunay nito; may binabanggit dito na si Jesu-Cristo ay hindi nagbabautismo kundi ang kanyang mga apostol lamang;“Ngunit ang totoo’y hindi si Jesus ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad.” – Juan 4:2.  Ang talatang ito ay nagpapatunay lang na walang naganap na pagbabautismo sa Espiritu Santo at sa Apoy noong panahon ni Jesu-Cristo; nangangahulugan lang na ang katuparan nito ay sa muling pagparito ng Kordero. At pagdating ng Kordero, mayroon siyang mga taong babautismuhan sa Espiritu Santo at sa Apoy. At ang mga taong ito ay siyang ililigtas ng Diyos at magtataglay ng limang tanda ng kapangyarihan. Sila’y matatawag na mga Hinirang ng Diyos.

Kung babasahin natin ang nakasulat sa Lucas 12:50; mayroong sinasabi si Jesu-Cristo na mayroon pang isang baustimo na dapat siyang tanggapin at siya’y nababagabag hangga’t hindi niya ito natatanggap; “May isang bautismo pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito!” – Lucas 12:50.Kung sasaliksikin natin ang Kasulatan, iisang bautismo lang ang tinanggap ni Jesu-Cristo at ito ay Bautismo sa Tubig. Maitatanong natin sa ating sarili kung ano kayang uri ng bautismo ang dapat pang tanggapin ni Jesu-Cristo. Kung aalamin natin ang mga uri ng bautismo na naitala sa Kasulatan, hindi natin masasabing Bautismo sa Tubig ang isa pang bautismo na dapat tanggapin ni Cristo sapagkat ito’y tinanggap na niya sa pamamagitan ni Juan Bautista. Hindi rin maaaring Bautismo sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo sapagkat mismong si Cristo ang nag-utos nito sa kanyang mga apostol upang gawing alagad niya ang mga tao. Ang panghuling bautismo na naitala sa Kasulatan ay ang Bautismo sa Espiritu Santo at sa Apoy; at walang pag-aalinlangan na ito ang isa pang bautismo na dapat tanggapin ni Jesu-Cristo na tinutukoy sa Lucas 12:50. Sa madaling salita may isa pang tao na susuguin ang Diyos na magsasagawa ng Bautismo sa Espiritu Santo at sa Apoy; na siyang ibabautismo kay Jesu-Cristo at sa mga taong ililigtas ng Diyos.

Ayon pa kay Jesu-Cristo; siya ay may susuguin na isa pang Patnubay na siyang magsasabi ng lahat ng gusto niyang iparating sa atin; ito ay mababasa natin sa Juan 14:16 at ganito naman ang pagkakasulat: “Dadalangin ako sa Ama at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman.”  At sa Juan 16:7-8 ay ganito naman ang pagkakasulat: “Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y para sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid at kung ano ang kahatulan.”  Dagdag pa sa Juan 16:12-13 ay ganito naman ang binabanggit; “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng Katotohanan tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan, sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili. Sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig at ipapahayag ang mga bagay na darating.”


Sa madaling salita ang Patnubay na susuguin ni Jesu-Cristo; ang tanging may karapatan na magbautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at Apoy. Ito ang bautismong dapat pang tanggapin ni Jesu-Cristo. At ito rin ang bautismong dapat natin makamtan upang makamtan natin ang limang tanda ng kapangyarihan at tunay na kaligtasan. Sa Lucas 12:32 ay ganito ang sinabi ni Jesu-Crito:  “Huwag kayong matakot munting kawan sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.”  Kaya’t sikapin nating matagpuan ang munting kawan na ito sapagkat dito natin matatagpuan ang kasagutan sa lahat ng ating mga katanungan. At ang kaligtasan na ating hinahanap ay dito natin matatagpuan.


Lihim at kahulugan sa sinabi ni Cristo na: “Ako ang Mesias”



Sa aklat ni San Mateo, mayroong binabanggit si Jesu-Cristo na mga palatandaan ng kaniyang muling pagparito. Isa sa mga palatandaan ay mababasa  sa Mateo 24:4-5 at ganito ang pagkakasulat:

“Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman! Sapagkat maraming paririto sa aking pangalan at magsasabi; ‘AKO ANG MESIYAS’ at marami silang maililigaw.”

Kung uunawain nating mabuti ang sinabi ni Jesu-Cristo na “AKO ANG MESIAS”. Ginamit niya ang salitang “AKO” dahil siya mismo ang Mesias na nagsasalita. Subalit kung ibang tao ang magsasalita bukod kay Cristo; at magsabing “Ako ang Mesias”; lumalabas na ang nagsasalita ay isang impostor at nagpapanggap na siya daw ay si Jesu-Cristo.

Sinasabi pa ni Jesu-Cristo na: “…at marami silang maililigaw.” Sa praktikal na panahon natin ngayon, kung literal na impostor o literal nagpapanggap na siya’y Mesias. Sa tingin ko kaunti lang ang maniniwala at maililigaw niya dahil sa panahon ngayon walang tao ang mangangahas na magpapanggap na siya ang mesias dahil aakusahan siyang baliw o sira-ulo! Sa tingin ninyo kaya maraming maililigaw ang ganitong klaseng tao?

Sinasabi pa ni Jesu-Cristo “Sapagkat maraming paririto sa aking pangalan at magsasabi; ‘AKO ANG MESIYAS’.” Kung uunawain nating mabuti ang gustong ipaalam sa atin ni Jesu-Cristo; dapat daw taong mag-ingat sapagkat maraming magdadala ng kaniyang pangalan at magsasabing si Jesus ang Mesias.

Para lubos nating maunawaan; unawain nating mabuti ang sinulat ni San Mateo na kung saan si Jesu-Cristo mismo ang nagsalita. Ito ay isa sa mga hula niya sa darating na panahon:

“Pagdating ng huling araw, marami ang magsasabi sa akin: ‘ ‘Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!’ At sasabihin ko sa kanila, ‘Kailanma’y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama’.” - Mateo 7:22-23 .

Ano ang malalim kahulugan ng talatang ito? Kung saan nagdudulot ito ng maraming katanungan.

1. Ano ang nagawa nilang masama kaya’t hindi sila kinikilala ni Jesu-Cristo? Mali ba ang mangaral, mali ba ang magpalayas ng demonyo at mali ba ang gumawa ng kababalaghan sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo?

2. Kung ang isang tao ay gumagawa ng masama, bibigyan kaya ito ng kapangyarihan ng Diyos makagawa ng kababalaghan at makapagpalayas ng demonyo?

3. Kung sila’y masama sa paningin ni Jesu-Cristo, saan nagmula ang kapangyarihan nilang magpalayas ng masamang espiritu at makagawa ng kababalaghan?

4. Kung ika’y nagtataglay ngayon ng kapangyarihang makapagpagaling ng may sakit at makagawa ng kababalaghan sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo; at sa panahon ng pagharap mo kay Cristo, sabihan ka niya na kailanman ay hindi ka niya nakikilala. Ano ang mararamdaman mo?

Kung pagmamasdan natin ang ating kapaligiran; sa relihiyong kristiyanismo ay mayroong napakaraming sekta o denominasyon; mahigit 23,000 sekta ang gumagamit ng pangalan Jesus. I-isa ang ginagamit na Biblia. I-isa ang kinikilalang Sugo ng Diyos, ngunit magkakaiba ng paliwanag, interpretasyon, at pag-unawa. At bawat sekta ay umaakong nasa kanila daw ang kaligtasan.

Si Cristo ay nagbababala sa mga taong gagamit ng pangalan niyang JESUS. Ito’y malungkot at masakit na katotohanan. Bakit? Dahil sa pagbabalik ni Cristo ay babaguhin niya ang kanyang pangalan na ayon sa  Pahayag 3:12 ay ganito ang pagkakasulat:

 “Ang magtatagumpay ay gagawin kong haligi sa Templo ng aking Diyos, at hindi na siya maaalis doon magpakailanman. Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan”.

Maliwanag na hindi Jesus ang pangalang dadalhin niya dahil mayroon ng siyang Bagong Pangalan. Sa Lucas 12:32 ay ganito ang sinabi ni Jesu-Crito:

“Huwag kayong matakot munting kawan sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.”  


Napakapalad ang sinumang mapabilang sa munting kawan na ito dahil ipagkakaloob sa kanila ang Kaharian ng Diyos; at sigurado akong dito ipagkakaloob ang Bagong Pangalan ni Jesu-Cristo.


PILIPINAS: Isang bansa sa Malayong Silangan!

               
Si YAHWEH ay pupurihin at dadakilain sa “silanganan”:
“Dadakilain din Siya sa silanganan, pupurihin sa baybay-dagat ang kanyang Pangalan, ang Pangalan ng Diyos ng Israel.” – Isaias 24:15

Isang bayan ang huhudyatan ni Yahweh mula sa “dulo ng daigdig”:
 “Huhudyatan niya ang isang bayan sa dulo ng daigdig at madaling-madali itong lalapit” – Isaias 5:26

Si Yahweh nagmumula sa “dulong silangan”:
“Huwag kang matakot, ako’y kasama mo mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran; ay titipunin ko kayo at ibabalik sa dating tahanan” – Isaias 43:5

Si Cristo ay masasaksihan hanggang sa “dulo ng daigdig”:
Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria at hanggang sa dulo ng Daigdig” – Gawa 1:8

Ang angel taglay ang pantatak ng Diyos ay nakita sa “gawing silangan”:
“At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat. Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos. At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan-144,000 buhat sa labindalawang lipi ng Israel.” – Pahayag 7:2-4.


“ANG WATAWAT NG BANSANG PILIPINAS”
“Itayo mo ang watawat sa taluktok ng burol, malakas mong iutos sa mga kawal na salakayin at pasukin ang palalong lunsod.” – Isaias 13:2

“Makinig kayong lahat na mga naninirahan sa daigdig, abangan ninyo ang pagtataas ng watawat sa ibabaw ng bundok, hintayin ninyo ang tunog ng pakakak.” – Isaias 18:3





Land OF The Morning
(English Version of Lupang Hinirang)

Land of the morning
Child of the Sun returning
With fervor burning
Thee do our souls adore.

Land Dear and Holy
Cradle of noble heroes
Neer shall invaders
Trample thy sacred shore.

Ever within thy skies
Sand through thy clouds
And over thy hill and sea
Do we behold the radiance
Feel the throb of glorious liberty.

Thy banner dear to all our heart
It sun and stars a light
Oh! Never shall its shinning field
Be dimmed by tyrant’s night.

Beautiful land of love
Oh! Land of Light
In thine embrace this rapture to us
But it is Glory ever
When thou art wronged
For us thy Son’s to suffer and die. 






National Anthem of the Philippines (English) -

Land of the Morning:  Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law. Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang "Philippine Hymn" na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.


May Tagong Karunungang hindi naisulat sa Biblia


Ang Banal na Kasulatan mismo ang nagpapatunay na mayroong mga karunungan at kaganapan na hindi naisulat sa Biblia at ito ay mababasa natin sa Aklat ni Juan; “Marami pang kababalaghang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito.” –Juan 20:30. Dagdag pa sa Juan 21:25 ay ganito naman ang pagkakasulat; “At marami pang ginawa si Jesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.”  At kung pag-aaralan natin ang talambuhay ni Jesu-Cristo; mapapansin natin na ang istorya ni Jesu-Cristo na naisulat sa Biblia ay nagsimula noong siya’y ipinanganak hanggang sa nagka-edad si Cristo ng labindalawang taon (12 years old) – Lucas 2:41-52. Sa edad na labindalawang taon ni Jesu-Cristo na putol ang istorya niya. Wala nang naitala sa bibliya kung ano ang mga nangyari sa pagkalipas ng ika-labing dalawang taon gulang niya. Sa Lucas 3:23, matutunghayan natin muli ang istorya niya. Ang edad niya na rito ay tatlumpu (30 years old) hanggang tatlumpu’t tatlong gulang, na kung saan sa edad na 33 ay namatay si Jesu-Cristo. Kung mapapansin na natin ang istorya ni Jesu-Cristo noong nasa edad siya ng ika-13 hanggang ika-29 gulang niya ay hindi naisulat sa Biblia. At imposibleng walang nangyari o nagawa si Jesu-Cristo sa loob 17 years na hindi naisulat sa Biblia. Kung bibilangin natin ang kabuuhan ng bilang na taon ng buhay ni Cristo na naisulat sa Biblia ay may kabuuhang  labing anim na taon. At labing pito naman ang kabuuhang bilang ng taon ng buhay ni Cristo ang hindi naitala sa Biblia.

Sa Aklat ni  San Mateo ay may binabanggit si Jesu-Cristo na isang uri ng bautismo na iniutos niya lamang sa kanyang mga alagad; “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”  - Mateo 28:19. May binabanggit ditong ngalan na Ama, ngalan ng Anak at ngalan ng Espiritu Santo. Kung tatanungin natin ang mga tagapagturo ng kristiyanismo tungkol sa ngalan ng Ama; sasabihin nila na ang pangalan ng Ama ay Yahweh, ang iba nama’y Jehova, ang iba nama’y El Shaddai, ang iba nama’y Allah ( sa relihiyong muslim). At kung tinanong naman natin si Jesu-Cristo ayon sa Kasulatan, ang pangalan ng Ama na binanggit niya ay ELOI (Marcos 15:34). Ang lahat ng mga pangalang nabanggit ay tunay na pangalan ng Diyos Ama. Tungkol naman sa ngalan ng Anak, iisa lamang ang pangalan na binabanggit ng bawat kristiyano at ito’y walang iba kundi ang pangalang Jesus. Tungkol naman sa ngalan ng Espiritu Santo, nakalulungkot sabihin sapagkat walang relihiyon ang nakapagturo kung ano nga ba ang pangalan ng Espirito Santo. Kahit magbukas tayo ng Banal na Kasulatan; mula sa Aklat ng Genesis hanggang sa Aklat ng Pahayag ay hindi natin makikita ang pangalan ng Espiritu Santo. Sa ganitong sitwasyon; paano natin maipagmamalaki ang kinagisnan nating relihiyon, ang kinikilalang mangangaral, at ang sariling pananampalataya kung kulang naman ang kaalaman natin sa larangan ng pang-espirituwal. Paano natin masasabing buo ang pananampalataya natin sa Diyos kung kulang naman ang kaalaman natin sa Diyos?

Sa aklat ni Daniel, Aklat ng Pahayag, Aklat ni Isaias, at Aklat ng Corinto ay may binabanggit na mga karunungang nailihim o mga karunungang hindi naitala sa Banal na kasulatan. Sa aklat ni Daniel ay ganito ang pagkakasulat:Daniel, ingatan mo muna ang mga salitang ito at isara ang aklat hanggang sa takdang panahon. Marami ang magsasaliksik upang tumuklas ng karunungan…Hindi ko maunawaan ang kanyang sagot kaya nagtanong ako uli, ‘Ginoo, ano’ng talaga ang mangyayari? Sinabi niya sa akin, ‘Tumahimik ka na, Daniel. Ang kahulugan nito’y mananatiling lihim hanggang sa huling araw.’” – Daniel 12:4,8-9. Sa aklat ng Corinto ay ganito naman ang pagkakasulat: “Ngunit sa mga may sapat na gulang sa pamumuhay sa espirituwal, karunungan ang ipinangangaral namin, subalit hindi karunungan ng sanlibutan ito o ng mga tagapamahala sa ngayon na nakatakdang malipol. Ang tinutukoy ko ay ang panukala ng Diyos, na nalihim sa tao; itinalaga niya ito para sa ating ikaluluwalhati, bago likhain ang sanlibutan.” – 1 Corinto 2:6-7.  Sa aklat ni Isaias ay ganito naman ang pagkakasulat: “Lahat ng hula ko ay pawang natupad, inyo nang kilalanin ang katotohanan nito, ngayo’y may ihahayag akong bago, mga bagay na hindi ko inihayag noong una. Ngayon ko pa lang ito pangyayarihin, wala pang pangyayaring katulad nito para hindi ninyo masabing ito’y alam n’yo na.” – Isaias 48:6-7. Sa aklat ng Pahayag ay ganito naman ang pagkakasulat: “Nang matapos ang dagundong ay susulat sana ako ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsabi, ‘Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog, huwag mong isulat!’” – Pahayag 10:4.

Kung uunawain nating mabuti ang mga nabanggit sa mga naunang talata; may mga hula na mababasa sa Lumang Tipan at ang iba nito ay naganap na; na siya namang mababasa natin sa Bagong Tipan. Subalit maraming hula na mababasa sa Luma at Bagong Tipan ang hindi nagaganap noong panahon na isinusulat ang Banal na Aklat; na siya namang nagaganap sa panahon natin ngayon. Sa madaling salita ang Diyos ay mayroong Tagong Karunungan at Hayag na Karunungan.

Sa aklat ng Genesis ipinahayag dito ang paglikha ng Diyos sa daigdig at sa sangkatauhan. Sa loob ng anim na araw natapos ang Kanyang paglikha at pagdating sa ika-pitong araw ang Diyos ay nagpahinga. Kung aalamin natin ang lahat ng nilikha ng Diyos, maitatanong natin kung papaano kaya nilikha ng Diyos ang mga anghel na binabanggit sa Hebreo 12:21-22. Paano rin nilikha ng Diyos si Arkanghel Gabriel na nagpakita kay Maria na ina ni Jesus (Daniel 9:21, Lucas 1:26); maging si Arkanghel Miguel na nakidpaglaban kay Satanas (Pahayag 12:7, Daniel 12:1); maging si Satanas ay paano rin nilikha ng Diyos (Mateo 4:10-11). Ang 24 Matatanda at Apat na Buhay na Nilalang na binabanggit sa Pahayag 19:4; ay maitatanong din natin kung papaano sila nilikha ng Diyos. Saliksikin man natin ang Kasulatan, hindi natin matatagpuan ang sapat na kasagutan sa ating mga katanungan. Nangangahulugan lang na mayroong Tagong Karunungan ang Diyos na ipapahayag lamang sa tamang panahon.

Lahat ng kristiyano ay nananabik at umaasa sa ikalawang pagbabalik ni Jesu-Cristo. Subalit bago maganap ang ikalawang pagparito ni Jesu-Cristo; ang Diyos ay mayroon munang susuguin na isa pang Patnubay dito sa lupa saka lang magaganap ang pagdating nii Jesu-Cristo. Ayon pa kay Cristo na ang pag-alis niya ay para sa ikabubuti ng lahat sapagkat kung hindi siya aalis, hindi darating ang Patnubay. At pagdating ng patnubay siya’y magpapatotoo at sasabihin Niya ang mga bagay na darating. Ito ay mababasa natin sa Juan 14:16 at ganito naman ang pagkakasulat:“Dadalangin ako sa Ama at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman.”  At sa Juan 16:7-8 ay ganito naman ang pagkakasulat: “Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y para sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid at kung ano ang kahatulan.”  Dagdag pa sa Juan 16:12-13 ay ganito naman ang binabanggit; “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng Katotohanan tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan, sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili. Sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig at ipapahayag ang mga bagay na darating.”  Sa madaling salita bago natin ituon ang ating isipan sa pagbabalik ni Jesu-Cristo; sikapin muna nating matagpuan ang Patnubay upang malaman natin ang bagay na gustong ipahayag ni Jesu-Cristo at ang mga bagay pang darating.

Ang lahat ng Kristiyano ay umaaasa sa ikalawang pagparito ni Jesu-Cristo, subalit ayon sa mga naunang talata na ating nabasa at naipaliwanag, dapat muna nating matagpuan ang Patnubay na susuguin bago natin ituon ang ating isipan sa pagbabalik ni Jesu-Cristo. Sapagkat si Cristo na rin ang nagsabi na marami pa siyang gustong sabihin at ang Patnubay lamang ang magpapatotoo nito at magsasabi ng mga bagay na darating (Juan 16:12-13).

Kung ang Diyos ay may Karunungang nailihim sa tao. Mga Karunungang hindi naisulat sa Biblia; mga Karunungang magtuturo ng tamang pananampalataya at kaligtasan. Tandaan natin na ang lihim ay hindi mananatiling lihim kung pagsisikapan natin itong tuklasin.

Sa Lucas 12:32 ay ganito ang sinabi ni Jesu-Crito:  “Huwag kayong matakot munting kawan sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.”  Napakapalad ang sinumang mapabilang sa munting kawan na ito sapagkat makasisiguro tayo ng dito natin matatagpuan ang Patnubay na tinutukoy ni Jesu-Cristo.


Mga Latin na Oracion – Gaano ito Katotoo?



May ibang samahang pang-espirituwal na gumagamit ng wikang Latin; sa larangan ng panggagamot at pangdepensa laban sa sakit, gutom, lason, masamang espiritu, guerra at marami pang iba. Kung uunawain natin ang wikang Latin, maihahalintulad natin ito sa wikang Filipino na kung saan sa ating bansa ay may wikang ilokano, cebuano, waray, zambal at marami pang iba. Sa wikang Latin naman ay mayroong Hebrew Latin, Greek Latin, Aramaic Latin, Arabic Latin, Spanish Latin, American Latin, Revised Aramaic Latin Ang mga nabanggit na Latin ay ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng naging Tagapagligtas at Sugo ng Niya tulad ni Noe, Moises, Abraham, Haring David, Jesu-Cristo at marami pang iba; ito ang mga wikang ginamit nila sa paggawa ng mga imposibleng bagay; ito ay masasabi nating Tagong Karunungan ng Diyos na ipinagkaloob sa kanila.

Marami ang nagsasabi na mag-iingat at umiwas daw sa mag taong gumagamit ng Latin, ito daw ay galing sa demonyo. Ang mga taong nagsasabi ng ganitong bagay ay nagpapakita lang ng kamangmangan sa Kasulatan! Kung sasaliksikin natin ang Kasulatan mula sa Aklat ng Genesis hanggang sa Aklat ng Pahayag, walang binabanggit ang mga propeta na ang Latin ay galing sa demonyo bagkus pinapahayag pa ng mga propeta na mismong ang Sugo ng Diyos ay gumagamit ng Latin para mapagaling ang sakit at sa wikang Latin nakikipag-usap siya sa Diyos. Kung gugunitain natin ang panunukso ni Satanas kay Jesu-Cristo nang matapos mag-ayuno si Cristo sa loob ng apatnapung araw, ito’y mababasa natin sa Mateo 4:1-11. Mapapansin natin na wala namang naisulat na si Satanas ay gumamit ng Latin laban kay Jesu-Cristo bagkus kung aalamin natin ang tagong karunungan, si Cristo pa mismo ang nagsalita ng Latin upang tumigil at lumayas si Satanas.

Sa Marcos 16:16-18 binabanggit na ang mabautismuhan at sumasampalataya ay magsasalita ng ibang wika, ganito ang pagkakasulat: “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas. Ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika, sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.”  Maitatanong natin sa ating sarili kung anong uri kaya na WiKA ang sasalitain ng sumasampalataya at mabautismuhan. Dagdag pa sa Sofonias 3:9 may binabanggit na babaguhin ng Diyos ang salita ng tao at bibigyan ng dilang malinis; “Oo, sa panahong iyon babaguhin ko ang pananalita ng mga tao, at bibigyan ko sila ng dilang malinis, upang silang lahat ay tumawag sa pangalan ni Yahweh at buong pagkakaisang maglingkod sa kanya”. Maitatanong natin sa ating sarili kung ano kayang uri ng salita ang ipagkakaloob ng Diyos sa tao. Dagdag pa sa Isaias 28:11-13 ay may ituturong wika si Yahweh sa kanyang bayan;“Kaya naman nagsasalita si Yahweh sa bayang ito sa pamamagitan ng mga banyagang iba ang wika. Ganito ang kanilang sasabihin: ‘Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal.’ Ngunit hindi nila ito pinakinggan. Kaya ang pagtuturo ni Yahweh ay ‘Isa-isang letra, isa-isang linya at isa-isang aralin.”

Sa Pahayag 14:3, may binabanggit na ‘awit’ na aawitin ng 144,000 na hinirang ng Diyos at ayon pa dito na walang makaunawa sa awit na ito maliban sa 144,000 na hinirang ng Diyos; “Sila’y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at ng apat na nilalang na buhay, at ng dalawampu’t apat na matatanda. Walang makaunawa sa awit na yaon kundi ang 144,000 na tinubos sa sanlibutan.”  Dagdag pa sa Isaias 42:10,  may binabanggit na isang bagong awit ang iaalay kay Yahweh; “Isang bagong awit na ukol kay Yahweh ay inyong awitin, ang buong daigdig sa kanya ay magpuri. Yaong mga tao na nangaglalayag ay purihin siya. Purihin siya sa lahat ng nilalang sa karagatan at ang bansa sa baybaying dagat, magpuri sa kanya ”.  Kung uunawain natin ang nakasulat sa mga nabanggit na talata; ang awit ay binubuo ng mga salita o wika. Sa Pahayag 14:3; binabanggit na tanging ang 144,000 na hinirang ng Diyos lamang ang nakakaunawa ng kanilang awit samakatuwid ang mga hinirang na ito ay may sariling lengguwahe na sila lamang ang nakakaunawa. Kaya’t maitatanong natin sa ating sarili kung ano kayang uri ng lengguwahe ang sasalitain ng mga hinirang na ito.

Ang Banal na Kasulatan mismo ay nagpapatunay na si Jesu-Cristo mismo ay gumagamit ng ibang wika na nagtataglay ng kapangyarihan; upang mangyari ang kanyang kagustuhan na masasabi nating mga kababalaghan. Sa aklat ni Mateo; may binabanggit dito noong nakabayubay si Cristo sa krus, si Cristo’y nasalita ng kakaibang wika:“ELOI ELOI LAMA SABACTHANI”  at ito’y mababasa sa Mateo 27:46. Noong kapanahunan ni Jesu-Cristo bilang Sugo at Tagapagligtas; ang Diyos ay nagpakilala sa kanya sa pangalang ELOI at ang wikang itinuro ng Diyos sa kanya ay Aramaic Latin; ito ang susi na nagtataglay ng kapangyarihan upang si Jesus ay makagawa ng kababalaghan. Sa Marcos 5:41-43, binabanggit dito ang isang kababalaghan na ginawa ni Cristo; kung saan siya ay bumuhay ng isang patay na babae. Ganito ang pagkakasulat:  41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya: “TALITHA KUMI!”  Ang ibig sabihin nito ay: Dalagita, sinasabi ko sa iyo: Bumangon ka. 42 Agad na bumangon ang dalagita at lumakad. Siya ay labindalawang taong gulang na. Lubhang namangha ang mga tao. 43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag itong ipaalam kahit kanino. Sinabi rin niya na bigyan nila ng makakain ang dalagita.” Sa talatang nabanggit mapapansin natin na mismong si Jesu-Cristo ay gumamit ng Divine Words na TALITHA KUMI upang bumuhay ng patay. Dagdag pa sa Marcos 7:33-34 si Jesu-Cristo ay gumamit muli ng isang Divine Word na EFFATA noong pagalingin niya ang isang pipi’t bingi. “Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, iniutos niya sa tainga ng lalaki, “EFFATA!”, na ang ibig sabihi’y, “Bumukas ka!”

“Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa” –Juan 1:1-2. Sa pasimula pa, noong hindi pa nagkakatawang tao ang Salita, ang Salita na ito ay Wika na binubuo ng mga letra. Sa talatang ito, mapapatunayan natin na ang salita (wika) ay nagtataglay ng kapangyariyahan. Huwag tayong magtaka kung bakit lahat ng sinugo ng Diyos ay gumagamit ng Wika o Divine Words upang makagawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao lamang.


Mga uri ng Karamdaman

CANCER / TUMOR - KULAM / GAYUMA - KARMA :
SINO ANG DAPAT GUMAMOT NITO?


May mga iilang tao na nagsasabi ganito:   “ Pinagamot ko siya sa Doctor, subalit hindi pa rin gumaling. Noong pinagamot ko siya sa Albularyo saka lang siya gumaling. Nabati daw siya ng mga hindi nakikita.”  Ang iba naman ay nagsasabi ng ganito:“Pinagamot ko siya sa Albularyo,  ang sabi kinulam daw. Ang tagal ginamot ng Albularyo pero hindi gumaling. Noong dinala ko siya sa Doctor, dengue pala ang sakit. Gumaling siya sa Doctor.” Ang ibang tao naman ay nagsasabi ng ganito:“Pinagamot ko siya sa Doctor hindi siya gumagaling. Pinagamot ko rin siya sa Albularyo, hindi rin siya gumaling. Ano na ang gagawin ko?”


Kung uunawain natin ang mga naipahayag sa unang talata. Masasabi natin na ang mga Doctor ay may napapagaling na hindi kayang gamutin ng mga Albularyo. Sa kabaliktaran nito; mayroon namang nagagamot ang mga Albularyo na hindi kayang gamutin ng mga Doctor. Kung tatanungin naman natin ang siyensiya (science) tungkol dito, ang mga bagay na ito ay hindi pinaniniwalaan. Subalit kung  ang sinasabing Doctor o Siyensiya ay naniniwala sa Diyos at magsasaliksik sa Banal na Kasulatan o Bibliya; hindi nila maikakaila na may mga karamdaman na tanging sa paraang pang-espirituwal lamang ito gagaling. Subalit may mga sakit din naman na hindi kayang gamutin ng mga Doctor at mga Albularyo, PAANO ITO GAGAMUTIN?


Mahalagang malaman natin ang kategorya ng sakit ng isang tao upang malaman natin kung sino ba ang akma o nararapat gumamot sa taong may karamdaman, nang sa ganoon sa bandang huli hindi tayo magsisisi.
Ang kategorya ng sakit ay nahahati sa tatlo (3) at bawat kategorya ay may akmang manggagamot. Ang unang kategorya ng sakit ay tinatawag ng MATERIAL SICKNESS, halimbawa nito ay lagnat, ubo, sipon, cancer, tumor, TB at diabetes. Ang ikalawang kategorya ng sakit ay tinatawag na MEDIUM SICKNESS, halimbawa nito ay kulam, barang, palipad-hangin, usog, bati at gayuma. At ang huling kategorya ay tinatawag na SPIRITUAL SICKNESS, halimbawa nito ay karma o parusa na ng Makapangyarihang Diyos.

Sino ang makakagamot ng Material Sickness, Medium Sickness at Spiritual Sickness? Sa mga taong nagtataglay ng Material Sickness, sila ay magagamot ng mga Doctor (professional doctor) na makikita sa hospital o clinic. Sa mga taong nagtataglay ng Medium Sickness, sila ay magagamot ng mga Albulayo o medium doctor. Para naman sa mga taong may sakit na Spiritual Sickness; hindi ito magagamot ng literal na doctor o albularyo. Ang makakagamot nito ay tanging sarili niya lamang. Taus-pusong paghingi ng tawad sa Diyos, paghingi ng tawad sa mga taong nagawan niya ng mali at pagbabago sa sarili tungo sa mabuting gawain ang makapagpapagaling sa sakit na ito.

May isang tao na nagsasabi ang ganito: “ Yung tiyahin ko may cancer sa ovary, sinubukan niyang magpagamot sa isang faith healer. Gumaling ang cancer niya paglipas ng dalawang (2) buwan.”  May iilang rin namang tao na may kakayahang makapagpagaling ng Material Sickness at Medium Sickness; ang tawag sa kanila ay Spiritual Doctors subalit bihira lang ang taong may kakayahan nito. Sa madaling salita; ang Material Sickness ay hindi kayang gamutin ng mga albularyo subalit kayang gamutin ng mga Professional Doctors at Spiritual Doctors. Ang Medium Sickness naman ay hindi kayang gamutin ng mga Professional Doctors subalit kayang gamutin ng mga Albularyo at Spiritual Doctors.
Sa pang-espirituwal na paraan ng panggagamot, napakahalaga dito ang taus-pusong paniniwala. Sa madaling salita, kahit si Jesu-Cristo pa ang gagamot sa iyo kung wala ka namang paniniwala kay Cristo, hindi ka gagaling. Ang lahat kagalingan sa lahat ng sakit ay nagmumula sa Nag-iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. At ang Diyos ay gagamit ng instrumento o tao tulad ng mga Material Doctors, Medium Doctors, Spiritual Doctors upang ang kahilingan ng tao na gumaling ay magaganap. Isang halimbawa: kapag ang kapatid mo ay nangangailangan ng pera na gagamitin para sa enrollment at nagkataon namang wala kang pera, sinubukan mong manalangin sa Diyos at humingi ka ng grasya, pagdilat mo ba ng iyong mga mata o pagkatapos mo manalangin ay may biglang lilitaw na pera sa iyong harapan? Sa anong paraan kaya darating ang tulong ng Diyos upang mapa-enroll mo sa school ang iyong kapatid?

Halos lahat o masasabi kong lahat ng maykaya sa buhay o mayayaman ay sa Professional Doctor lumalapit sa oras ng karamdaman at ito’y normal lamang; subalit paano kung ang sakit ng isang mayamang tao ay kinulam, nabarang, nabati o nausog? Marami namang mahihirap na dahil sa kahirapan, ang sakit na cancer o TB ay pilit na sinasabing – baka kulam ito, ay inilalapit naman sa mga albularyo.
Mga Kapatid, Kapuso at Kapamilya; ipinaalam ko po ang mga karunungang ito para sa mga taong kay tagal nang naghahanap ng lunas sa kanilang sakit, baka po kasi may mali sa nilapitan ninyong manggagamot o hindi akma/tugma. Hindi ko po layunin na baguhin ang kinamulatan ninyong paniniwala. At wala po akong kinikilingan sa paraan po ng panggagamot dahil po sa aking paniniwala; ang mga propesyunal na doctor, maging ang mga doctor sa pang-espirituwal ay may kaniya-kaniyang kagalingan o kakayahan.


Para sa mga taong MATAGAL nang naghahanap ng kagalingan sa karamdaman, huwag po tayong mawawalan ng pag-asa. Una sa lahat humingi tayo ng tawad sa Diyos at maging sa ating kapwa; saka natin hanapin ang gagamiting instrumento ng Diyos na siyang tutulong sa iyo upang ika’y gumaling. Maaari po ninyong ibahagi sa akin ang mga problema ninyong sakit, ikagagalak ko pong maging bahagi sa inyong pagsusumikap ng gumaling. Maraming-marami pong salamat.



LATIN, Paano ito mapapagana ang oracion?



Ang paksang ito ay sadyang ginawa para sa mga kalalakihan o kababaihan na nagsasaliksik ng mga oraciong pang-gayuma o iba pang oraciong pagdepensa at panggagamot. Marami ang nga nagtatanong kung papaano paganahin ang isang oracion o kung gumagana ba ito? Ang paksang ito ay magsisilbing guidelines sa mga nagnanais mag-aral ng tagong karunungan.

Ang Latin ay mayroon iba’t ibang klase. Katulad ng salitang Filipino; mayroon itong cebuanao, ilokano, kapampangan, tagalog at marami pang iba. Ganoon din ang Latin; mayroong Greek Latin, Spanish Latin, English Latin, Arabic Latin, Aramaic Latic, Revised Aramaic Latin at marami pang iba. Bawat klase ng latin ay mayroong rules at guidelines sa pagbigkas nito at kung papaano ito mapapagana.

Narito ang mga kabuuhang guidelines sa pag-aaral ng latin:
1. Tamang pagbigkas
Sa paggamit ng oracion, napakahalaga ang tamang pagbigkas. Kapag mali ang bigkas mo ng isang oracion; katulad ka ng isang tao na pilit binubuksan ang kandado pero mali ang susi na gamit. Ibig sabihin, hindi gagana ang isang oracion kapag mali ang bigkas mo. Kung makakuha ka ng isang oracion; tanungin ninyo ang nagbigay sa inyo nito; kung ano ang mga tamang pagbigkas nito.

Halimbawa ang salitang matatagpuan natin sa krus ni Jesu-Cristo na I.N.R.I. na may kahulugang iesvs nazarenvus rex ivdaeorum” (latin).


a. Ang Salitang “JESUS” ay makikita sa halos lahat ng klase ng latin subalit ito ay may iba’t ibang paraan ng pagbigkas depende sa klase ng latin ito napapaloob o napapabilang. Sa ibang klase ng latin ang Jesus ay binigkas na HESUS – “He-sus”. Sa iba, binibigkas itong  JESUS - “DYE-SUS”. Minsan ito’y binigkas na IESUS – “IYE-SUS”.

b.  Kung ang latin ay binubuo ng mga magkakasunod na vowels (aeiou) o consonant (bkdghlmn…). Ito binibigkas ayon sa pantig nito o minsan nilalagyan ito ng consonant  para mabigkas ito ng tama o depende pa rin rules ng latin kinabibilangan nito. Ang latin na “IUDAEORUM”; sa ibang rules ng pagbigkas; ito ay binibigkas na “I-U-DA-E-O-RUM”. - binibigkas ayon sa pantig nito. Sa ibang rules naman ito ay binibigkas na “IYU-DA-YE-WO-RUM” – dinadagdagan ng consonant. Sa ibang rules naman ito ay binibigkas na “JU-DA-YE-WO-RUM” – ang unang titik “i” sa salita ay ginagawang titik “j”

2. Obserbahan mabuti ang paggamit ng “Symbol”
Narito ang halimbawa ng mga gayuma na kumakalat sa internet:

a. Gayuma 1:
+++
NEMINE TRITARUM ADITA CHRISTUM SUMATUS TUISUT.
(Usalin ang kompletong pangalan ng gagayumahin 3x)
Susunod ka sa lahat ng nais ko, ako ang laging nasa isip mo at
ako ay iyong mamahalin habang buhay.ESAELE ERKIMI SAULO KIMI SAULO.

 b. Gayuma 2:
ACTUM ACTUM ERIGO LITIM ISUM KRISTUM LIVERA MIA MALO EGOSUM. Amen.
 +++
c. Gayuma 3:
SANCTUM CHRISTUM DEUS SPIRITO SANCTO DEUS CROCATISIM RESPOSINET IGLORIAM BITAMAT TUMATBEM SINUROM DEUS CHRISTUM CRISTO EGOSUM

d. Gayuma 4:
BIYATAM MARIAM MAGDALINAM  + VERTUSUM KIDIM

Kung mapapansin ninyo ang mga halimbawa; mayroon kayong symbol na makikita at ito ay “+” . Ang paggamit ng symbol ay may malalim na kahulugan at sadya itong ginamit. Una, pinapanatili nito ang kasagraduhan ng Latin. Pangalawa, upang ito’y hindi magamit ng ibang tao lalo na sa mga taong may masamang balak sa kapwa.

Narito ang ilang kahulugan ng simbolong “+”:

            1. Mag-“sign of the cross”. Sa Latin na “+++  NEMINE TRITARUM…”; maaaring sinasabi nito ang mag- sign of the cross ka ng tatlong beses. Sa pag-sign of the cross; maaari itong kumpas lang ang kamay o may babanggitin kang wika na : “IN NOMINE PATRI ET FILII ET SPIRITU SANCTO” o “CRUX SANCTI PATER BENEDICTE”.

            2. Literal na salitang “krus/crux/cruz”. Maaaring ang kahulugan ng “+++  NEMINE TRITARUM…” ay “CRUZ CRUZ CRUZ NEMINE TRITARUM…”.

3. Spiritual na paghahanda sa sarili:
Sa Marcos 5:41-43, binabanggit dito ang isang kababalaghan na ginawa ni Cristo; kung saan siya ay bumuhay ng isang patay na babae. Ganito ang pagkakasulat:  41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi sa kaniya: “TALITHA KUMI!”  Ang ibig sabihin nito ay: Dalagita, sinasabi ko sa iyo: Bumangon ka. 42 Agad na bumangon ang dalagita at lumakad. Siya ay labindalawang taong gulang na. Lubhang namangha ang mga tao. 43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag itong ipaalam kahit kanino. Sinabi rin niya na bigyan nila ng makakain ang dalagita.” Sa talatang nabanggit mapapansin natin na mismong si Jesu-Cristo ay gumamit ng Divine Words na TALITHA KUMI upang bumuhay ng patay. Dagdag pa sa Marcos 7:33-34 si Jesu-Cristo ay gumamit muli ng isang Divine Word na EFFATA noong pagalingin niya ang isang pipi’t bingi. “Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, iniutos niya sa tainga ng lalaki, “EFFATA!”, na ang ibig sabihi’y, “Bumukas ka!”

Si Jesu-Cristo ay gumamit ng Aramaic Latin na TALITHA KUMI at EFFATA noong buhayin niya ang patay at pagalingin ang pipi’t bingi. Subukan mo kayang humarap sa isang pipi’t bingi at banggitin ang salita “EFFATA”; sa tingin ninyo gagaling kaya ito? Kung sasabihin ninyo namang; si Cristo yaon at ako’y ordinaryong tao lamang. Ang katanungan ko naman ay ganito: Iyang pinag-aaralan mo bang gayuma ay para sa iyo ba talaga? Papaano kung ang oracion mo ay ginagamit ni Haring David o Haring Solomon noon; masasabi mo pa rin  bang si David o Solomon yaon at ako’y ordinaryong tao lamang.

Naaalala ko limang taon na ang nakakalipas. Sa lugar na namin marami ang may sakit na kulam, bati/usog, ginayuma at sinasaniban ng masasamang espiritu. Mayroon kaming kapitbahay na sinapian ng masasamang espiritu; dahil sa nasa trabaho ako noong mga oras na yaon; yung tiyahin ko ang nagsubok na magpalayas ng bad spirit. Inabot siya ng tatlong oras; hindi niya napalayas ang ang bad spirit hanggang sa makarating nalang ako ng bahay. Sinubukan kong i-drive away ang bad spirit sa loob ng 30 minutes, napaalis ko ito. Nagtaka ang tiyahin ko at nagtanong kung anong wika o oracion ang binanggit ko. Sinabi ko sa kanya ang oracion ginamit ko at sinabi niya na iyon din ang gamit niya pero bakit hindi umalis ang bad spirit.

Napakahalaga ng spiritual na paghahanda sa mga nag-aaral ng tagong karunungan. Halimbawa; ang electric fan na 220 volts kapag i-plug mo sa 110 volts na outlet; gagana kaya ang electric fan? Katulad ng Oracion may voltahe rin ito at dapat sapat ang enerhiya ng katawan natin upang mapagana ang isang oracion.

SUBAYBAYAN ANG KARUGTONG NG SPIRITUAL NA PAGHAHANDA:


***PART 2***